Total Pageviews

Friday, November 12, 2010

Paroo't Parito

Paroo't parito... Mga salitang Tagalog.  Hawig sa labas-masok, manhik-manaog, urong-sulong.  Mga salitang buhay. May tutunguhan. May babalikan.  May Simula. May Katapusan.

Paroo't Parito... Mga salitang Tagalog. Palayo at palapit. May takdang alis at dating.  Hawig nang buhay, ang sinilang ay yayao.

Paroo't parito... Mga salitang Tagalog.  Naglalarawan. Ligaya at lumbay.  Gapi at tagumpay.  Bata mang pumalaot, pagtanda, hanap ay daungan.

Ang blog na ito'y pang-malayang talakayan... makabago, malikhain, mabiro, mapanuri man at  magaan.  Tanong-Sagot-Tanong... Pilosopong Tasyo!     

Tayo na, kaibigan,  paroo't parito...