Total Pageviews

Wednesday, May 13, 2020

Paroon,.. Tumaas ang Viewing Level dahil sa Quarantine. Magandang pagkakataon para sa mga Advertisers at sa traditional media.  Ang daming taong makakapanood at makakapakinig ng mga patalastas.  Sa kawalan ng magagawa sa bahay, paulit-ulit na mapapanood at mapapakinggan ang mga patalastas.  Ang programa sa himpapawid, kay sarap ibenta!  Talent ang puhunan, Hangin (airtime) ang ibebenta.
Parito... Nagbagsakan ang bilang ng patalastas.  20 porsyento hangang 32 porsyento ang binaba ng patatlastas ng Unilever, Procter and Gamble at Colgate Palmolive.  Mga manufacturer lang ng gamot tulad ng Unilab at Pfizer ang nagdagag ng patalastas. Kahit nga ang Jollibee, bumaba ang dami ng patalastas.  Idagdag mo pa dito ang pagkawala ng ABS CBN, sadyang bagsak ang industriya ng Media. Ang Sabon at toothpaste, may shelflife, maari pang mabenta pagkatapos ng trahedya. Pero Pag Hangin ang Binenta,  Paglipas ng Ihip, WALA NA! 

Monday, May 11, 2020

Inaalikabok

Paroon... isang linggo matapos ang shutdown ng ABS CBN, kamust na kaya tayo?  Namimiss nyo pa rin ba si Kardo?  Si ka Noli? Si Kuya Kim? Si Vice?  Sigurado sumilip din kayo sa TV Patrol sa Facebook.  Nanonood pa ba kayo online?  Pasasaan ba, masasanay na ba tayo manood sa ibang channel.  Malilibang na rin tayo sa nanonood ng Netflix at HBO Go.  Matututunan nyo na rin mag tele-babad sa GMA.  Sayang lang walang laro ang PBA, baka pati TV5 sana nakasama na sa inyong channel rotation.

Naitanong ko lang kasi napansin ko ang aking remote.  Nakapatong pa rin sa paborito kong lamesita. INAALIKABOK...  Isang linggo na mula ng ma-shutdown ang ABS CBN, tuloy naman ang buhay.  Marami namang nagagawang ibang bagay.  May entertainment sa phone, may news sa internet may replay kung gusto ko lang paulit-ulit mapanood ang mga nagiliwan kong palabas.  "Life has gone on" ika nga.

Parito... As retired media researcher, na-e-excite pa rin ako kung ano ba ang effect nito sa TTV or Total TV Viewing.  Higit dun, ano ba ang effect nito sa buong industriya.  Sigurado bagsak ang viewing, sigurado din bagsak ang negosyo ng buong industriya.  Ipagpalagay lang natin na sa ABS CBN ginagastos ng mga Media Agencies ang 30% ng advertising budget ng kanilang mga kliyente, saan nila gagastusin ito ngayon? Gustuhin man nila, wala na sigurong commercial minutes na maibebenta ang ibang channel.  Kung meron man,  dahil bumaba ang viewing level, di rin sulit na gastusin yun.  Itatabi na lang siguro.  Pero, pera ito na nilaan para mabenta ng mga dambuhalang brands gaya ng Pantene, Nescafe at iba pa.  Pag di naka-advertise, sapul din sigurado ang kanilang benta.  May tama na sa kanilang 2020 hahil sa quarantine,  may tama pa ulit dahil hindi makapag-advertise.  Gaya ng mga TV networks, siguradong may matitira naman.  Pero meron ding kaagapay na industriyang mapipilitang mag-shutdown.

Isang linggo makaraan ang shutdown ng ABS CBN, maraming nag-a-abang.  Marami ang nag-a-antay mapindot ang aking remote.

Saturday, May 9, 2020


Gaano kadalas ang minsan?

Sa pagtuturo ng Media Research, siguradong pag uusapan ang reach at frequency kapag umabot na ang talakayan sa Ratings.  Kasi naman, Ang Ratings = Reach X Frequency.  Gaano karami ang nakakita ng patalastas at ilang beses ito nakita.  Madaling nauunawaan ang dami ng nakakakita ng patalastas.  Ang susi sa usapin ay ilang beses?  Ilang beses ba kailangan ipalababas ang patalastas upang ito ay makita ng sapat na dami ng mamimili sa sapat na ulit upang bilhin ang isang produkto.  Kaya nga LUNOD  ka sa mahigit isang daan at dalawampung patalastas sa panonood ng tatlong oras ng mga TOP Rating Programs.  ISANG DAAN AT DALAWAMPU!

Paroon...   Dati, dalawa o tatlong beses ako magpunta sa grocery sa loob ng isang linggo.  Dalawa o tatlong beses ako pumipili ng sabon, shampoo, toothpase o noodles at softdrinks na gusto ko.  Kung kaya mahalaga para sa nagpapatalastas na subukang baguhin o panatilihin ang 'gusto' kong sabon, shampoo, toothpase o noodles at softdrinks. Mahalagang maipakita nila sa akin ang kanilang produkto tuwing pupunta ako sa grocery.

Parito...  Dahil sa Quarantine, nagbago ang pattern ng pagpunta ko sa grocery.  Minsan na lang sa loob ng dalawang linggo.  Binibili ko na lahat ng kailangan ko na sasapat sa akin ng at least dalawang linggo.  Sa takot ma-virus, ayokong pumunta sa grocery.  Ni ayoko nga pumunta sa Mini Stop na katabi ng bahay ko.  Baka mahawa ako.  At malamang ganito na ang magiging ugali ko, kahit na matapos na ang Quarantine.  NAGBAGO NA ANG PURCHASE CYCLE KO.

Sa pagbabago ng purchase cycle ko at ng iba pang tao, panibagong palaisipan ito sa mga nagpapatalastas. Gaano kadalas ba dapat mag patalastas?  Panibagong palaisipan sa manggagawa ng produkto.  Gaano ba kaliit o kalaki ang lalagyan ng produkto?  Panibagong palaisipan sa Media Owners.  Nasa bahay ang mga tao.  Gaano kadaming patalastas ba ang ipapakita ko sa isang program para hindi mag-tune-out ang mga tao?  Panibagong palaisipan sa mga research agencies.  Anong behavior at gaano karami ang naibang purchase behavior? Panibago Lahat Ito.

Saang program, anong channel, ilang beses? Sachet ba o Litro?  Nakakapanibago?  Ang consumers, gaya ko, Paroo't Parito.


Friday, May 8, 2020

Sa isang iglap, parang tinamaan ng Covid, Sumakabilang Buhay...

At nangyari ang di inaasahan...

Wala na ang ABS CBN, iyakan, tawanan, murahan, kutyaan... wala nang mapapanood kaya mag-away na lang ang mga gagamba sa sapot.  Matira matibay.  Bagsak ang viewing, sero ang rating.  Ano na ang mangyayari sa industriya ng media.  Kasama ng ABS CBN, katapusan na.

Pero kagabi, isang araw matapos mawala sa ere, Ang TV Patrol, nasa sa kabila, Buhay pa!  Sino ang mag-aakala, Pitong Milyon ang nanood.  Ang daming nag-comment, ang daming na-excite.  Online marketeers, pila-pila na.  Baka sa susunod, may mga advertisers na.

At sa isang iglap, parang tinamaan ng lintek, napatunayan, walang duda, may buhay sa kabila ng prankisa.

At ang hindi inaasahan, nangyari na nga... ang umasang yumao na, natulala!

At sabi nga ng pambansang kuya, Weather-weather lang, may araw din kayo... ang buhay ng tao, Paroo't Parito...

Thursday, March 29, 2012

kaarawan

paroon...

maaga sanang gigising para magbisikleta.  tinanghali dahil madaling araw na, nanonood pa ng TV.  nagmamadaling umalis at nagtungo sa all terra.  dun kami magkikita ni bernie.  mabuti na lang wala pa sya nang dumating ako.  nagbihis, nag-warm up.  maya-maya pa dumating na ang kasama.  padyak na papuntang antipolo.  dadaanan lang si jj sa BK.

kay ganda ng Marcos, bagong aspalto. di man lang nainip, narating ang kanto.  masinag na nga, paakyat na tayo.  medyo kabado dahil matagal ding di nakapadyak.  may 4 na linggo din kung di nagkakamali.  gayunpaman, maganda ang pakiramdam.  naiwan man ni jj, bernie at teban, hindi naman ako na-over-take-an.   bagkus, may nalusutan pang ilan.

nagmamadali din lumusong pabalik sa kopiroti.  sandali din lamang, dahil may date sa doktor si bernie.  konting kwentuhan, konting kainan. kape, itlog at tinapay.  ganun pinagdiwang ang simula ng aking kaarawan!!!

kay sarap talagang mabuhay...

Saturday, March 10, 2012

malayo man malapit din

Paroon...
Umalis ng linggo, patungo sa Edinburgh. ang layo ng byahe. 14 oras sa eroplano, schipol ang lapag... mula doon, tutuloy ng edinburgh, kabisera ng scotland... kay gandang lugar, malamig nga lang. gusto mang mamasyal, nagtulog na lamang. May mga kastilyong puno ng kasaysayan, may paltok na kay gandang pagmasdan, sa ginaw na dinanas, di na muling mangangahas, liban lang kung maaraw at makapal ang balabal.  may mga larawan ding nakuhanan, pag uwi na lamang ipapangalandakan. Mabagal ang internet, maiinis ka lang.

Parito...
Limang araw na sa. Scotland, inip na ang kalaban, sa isang probinsyanong hanggang maynila lang ang alam, makauwi na agad ang tanging hangad. Dalawang araw pa, sandali na lamang. Ang lamig, ang inip, talagang kalaban. Magkape maglasing lahat sinubukan, haggis na ulam, akin ding natikman. Pero ang isang bagay ka kaibang naranasan, umihi sa balde, wala sa pinas nyan!!!

Monday, February 20, 2012

padyak padyak lang

paroon

ilang beses nang nakatanggap ng paanyayang mag-bisikleta kasama ng mga ka-batch sa kolehiyo.  la mesa dam, timberland, night ride at kung saan-saan pa.  excited na makasama.  bukod sa hilig ko talagang mamisikleta, masayang kasama ang ang mga dating ka-eskwela.  makukulit, mabiro, malalakas (kumain ng turon) at syempre, mababait, hehehe... 

kahapon, sa wakas, nakasama din.  nakipag-tratong magsisimla sa Tina's, aakyat sa "the wall", makikipagtagpo sa ibang mga ka-klase sa itaas ng Timberland.  sa parking lot ng clubhouse magsisimula papasok sa trail, papunta sa Pestano o sa Giant, via Roxas.  kasamaang palad, di ma-kontak ang kasamang aakyat mula sa Tina's, kaya sa Gate na ng Timberland nagpasyang pumarada.  pumadyak papunta sa clubhouse parking lot sa taas ng subdivision.  pagdating dun, wala pang mga kasama.  bumaba muli, baka sakaling masalubong ang iba.  baka makita si Bernie, ang ka-klaseng kausap na magsisimula sa Tina's, at makasabay sa muling pag-ahon sa clubhouse.

sa gate ng Timberland, si Bomboy, isa pang ka-klase, ang nakita.  di raw napansin kung umaahon si Bernie sa "The Wall" kaya nagpasyang pumadyak na ulit paakyat sa clubhouse.  nagbilin kay Bomboy na hintayin ang aking pagdating sa taas.

nakarating na humihingal sa taas at nandun na nga ang iba pang mga ka-eskwela. si Perry, si Norman, si Cyril, si Dindo at si Bomboy.  maya-maya pa, dumating si Manny.  kwentuhan, alaskahan sa pagpapaalam, palusot sa pag-upgrade ng pyesa, at kung anu-ano pa.  mula sa kasamang may karanasan sa pagpapaalam at paghingi ng kapatawaran, isa ang nagsabi... "It is easier to ask for forgiveness than to ask for permission!"  kaya nga sa anumang nais gawin, gawin na agad... saka na malalaman kung mapapalo ni misis.  at least, tapos na... humingi na lang ng kapatawaran.  sabi naman sa inyo, mababait lahat ang mga boys na to.  humihingi ng tawad!!!

lalakad na... pero sandali, wala pa si Bernie... walang maka-contact.  di sumasagot sa tawag, di nakakatanggap ng text?, umaahon sa "The Wall" kaya di sumasagot?... walang may alam.  sabi nga ni Manny... di mang-iindyan si Bernie. tatawag yun kung di makakarating.  at tama nga...  biglang-bigla! dumating si Bernie! kaya ayun, "rak en roll na!"

nagkahiwalay ang grupo.  nakalayo agad sila Norman, Manny, Perry, Cyril at Dindo.  sumunod si Bomboy.  si Bernie, naiwan pa sandali, nagaayos ng video camera.  kailangan ma-document ang ride na to.  binalikan ko.  at ng maayos na, humabol kami.  padyak-padyak... di maabutan, akyat kami ng Roxas dahil yun ang unang usapan.  kaya pala di maabutan, nagsidiretso sila sa basic trail.  nagkitakita na lang ulit nang mag-antayan sa gate ng "Araneta".  isa lang ang kulang.  si Bomboy... bumalik.  nainip sa amin ni Bernie.  padyak na kami.  nagkasundong kaya naman sumunod ni Bomboy mag-isa sa Giant, ang tindahang aming kakainan.

madali namang nakarating sa Giant ang mga boys, sinabayan namin si Cyril na pangatlong linggo pa lang mula ng mag-umpisang mag bike.  maya-maya pa nakita nang padating si Bomboy.  nakayuko, humahataw, nagpapakita ng kakaibang bangis sa pagpadyak.  gutom na siguro...

kaya lang, di pa kumain ang grupo, nagpasyang dumiretso sa AFP at doon na magpahinga.  kaya sige, padyak na naman... tuloy tuloy hanggang marating ang kubo na may tindang gatorade at turon.  ang daming naubos na gatorade. mas maraming naubos na turon.  ilang sandali pa, pababa na kami mula AFP.  matarik ang lusong. madulas ang bato-batong daan.  maaring sumemplang.  ingat ingat, dahan dahan... makakarating din, sa Tina's ulit ang hintuan.  magaan na ang aming pakiramdam. 

parito...

sandali pa kaming naupo at nagkwentuhan.  pinagusapan ang padyakang nagdaan.  may pagod sa pagsikad, may pagod sa pagtawa, may gutom, may bitin, may laspag... lahat masaya!  noon din nasabi ni Bomboy na naman, ang magkakaibigan, matagal man di magkita, laging maaalala, masasayang araw duon sa eskwela, hindi malilimutan, para ring pamimisikleta!!!