Paroo't parito... Mga salitang Tagalog. Hawig sa labas-masok, manhik-manaog, urong-sulong. Mga salitang buhay. May tutunguhan. May babalikan. May Simula. May Katapusan.
Paroo't Parito... Mga salitang Tagalog. Palayo at palapit. May takdang alis at dating. Hawig nang buhay, ang sinilang ay yayao.
Paroo't parito... Mga salitang Tagalog. Naglalarawan. Ligaya at lumbay. Gapi at tagumpay. Bata mang pumalaot, pagtanda, hanap ay daungan.
Ang blog na ito'y pang-malayang talakayan... makabago, malikhain, mabiro, mapanuri man at magaan. Tanong-Sagot-Tanong... Pilosopong Tasyo!
Tayo na, kaibigan, paroo't parito...
First post mo ba ito? So are you going to blog? Hehe. Looking forward to your posts Gabs!
ReplyDeleteAko ay labis na nagagalak at ikaw ay nagsimula na ring magsulat ng "blog". Napakaganda at mala-tula ang una mong sulatin. Aking aabangan ang mga susunod pa.
ReplyDeletethanks alby and bob. hope i can sustain...
ReplyDelete