paroon...
ang dami ng awit, dula, larawan at birong nasulat tungkol sa tulay. may ingles, tagalog, pranses, aleman, intsik, hapon... lahat may sariling kwento ng tulay. nandyan ang bridge over troubled waters, bridges of madison county, bridge of the river kwai, london bridge, itlog at ebun, at ang paborito nung kabataan, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay... napakanta pa ko ng konti dun ah!
ngayon ko lang napag-isip-isip, ang amin palang baryo ay isang pulo... dinurugtong lamang sa bayan ng malolos at paombong sa pamamagitan ng mga tulay. makikitid at maiigsing tulay... gayun pa man mahahalagang tulay. isa sa pagitan ng kabayanan at san tiago, isa sa pagitan ng canalate at anilao, isa sa pagitan ng kantarilla at kaingin at marahil ilan pa sa banda ng kanto boy , sto cristo, atlag at san juan.
kaya nga marahil ang tulay ng aming baryo, ang isa sa mga unang tulay na ginawa ng mga kastila nun sila ay dumating may 430 taon na ang nakakaraan. tulay na maghahatid sa kanila mula manila bay, patawid ng hagonoy, patawid ng paombong, papasok sa bayan ng malolos. ayun sa mga nakatatanda, dito rin sa tulay na ito pumasok ang mga amerkano nung liberasyon. nagkaroon ng konting labanan at ang aking ina na sanggol pa noon ay nahagip ng ligaw na bala sa leeg. tanging nagligtas ay ang tulong ng mga kapitbahay na nagpasa-pasa sa munting sanggol mula sa aming bahay hanggang makarating sa ospital sa bayan... at siguradong sa tulay ng san tiago, sya ay nadaan. itinawid sa tulay, nasagip ang buhay.
parito...
kung aking iisipin, ano nga kaya ang ating lagay, kung hindi naimbento't nalikha ang tulay. sapat ba ang tula kung wala ang letrang "Y"? o walang mabubuong tula kung wala ang tulay? kaya nga mula ngayon, anumang kitid o ikli ng tulay, lubos ang pasasalamat, tulay kayo ng buhay!!!
Total Pageviews
Monday, January 30, 2012
Tuesday, January 24, 2012
ang aming munting baryo
Paroon...
Ang pista ng aming maliit na barangay ay pinagdiriwang tuwing a 23 ng Enero. Mula pagkabata, masaya ang ala-ala ng pista. Dinarayo ang taunang amateur singing contest (lumahok at natalo dito si Regine Velasquez). Ang Banda Republika, sa ilalim ni Maestro Julian Velasco, ay nag-pa-paseo. May pagoda sa hapon at may prusisyon sa gabi, kung saan ang patron, San Ildefonso, ay dinadalaw ng kapitbahay na si San Tiago. Tugtugan, sayawan, hanggang maihatid ang santo sa kanyang tahanan, na sa kabutihang palad ay nasa tapat ng bahay ko.
Gaya ng nakagawian, umuwi kami kahapon, a-23 ng Enero. Pista sa aming baryo. Kumustahan, simbahan, kodakan, kainan, inuman... marami-rami ding tao. Nagdatingan ang mga pinsan, kumustahan, kodakan, kainan, inuman, nagplano na naman ang lahi ni Adan. Sa gitna ng kapistahan, napagkasunduan, summer outing gagawin na sa mahal na araw. Ang kapatid kong si Cheng ang hahanap ng lugar. Excited na lahat, kahit Enero pa lang
Ang nakakatuwa sa pistang nagdaan ay ang munting sikretong aking natuklasan. Habang kumokodak sa aming barangay, may napansing ikinagulat, ikinagalak at kahit may agam-agam. Sa tagal na sa baryo, ngayon lang nalaman, meron palang saksi sa mga kaganapan. Sa paglipas ng panahon, sa pag agos ng ilog, sa pag-kiskis ng palay, sa pagbilad ng bihon, sa pag-para ng Baliwag, at pagtawid sa Paombong. Dati'ng may boses, ngayo'y piping tagamasid sa pagsikat at pag lubog ng araw. At ng kinuhanan ng isang larawan, dalangin kong sana'y pahalagahan. Wag sanang mahulog sa kamay ng hunghang.
Parito...
Naisin mang maghanap ay wala nang makita, ng maka-aala-ala sa totoong istorya. Walang nasusulat, walang naitala, walang nakapag-salin sa kasaysayan nya. Taon-taon man ang Pista, Misa, Prusisyon at Pagoda... Alam nyo bang 148 na ang aming parokya, Isang munting kampana, basag, at pipi na, syang tanging saksi, liban dyan at wala na.
"The image can not be described separated from its dwelling, the Cathedral-Minor Basilica of Malolos. With the endless throng of devotees who flock for novena and masses, this is the story of this historical and beautiful edifice. The Augustinian missionaries arrived at barrio Canalate in 1580. From a small chapel, a bigger one was built which was recognized in the records of the Augustinian chapter of 1580. Placed under the mantle of the Immaculate Conception, Malolos was made a parish in 1673 with Fr. Francisco Lopez as its curate. Built initially of light materials in 1591, the church and convent were enlarged by Fr. Roque Barrionuevo in 1691. In 1734, the church was built with stronger materials by Fr. Fernando Sanchez. Fr. Juan Meseguer finished this project in 1740 and Fr. Jose de Vivar applied the finishing touches in 1753. However, both the church and the convent were destroyed by fire in 1813. The construction of the present church begun in 1819 with Fr. Melchor Fernandez. This prolific builder was also responsible for the addition of arches to the convent; the fortification of the belfry ( so as to accommodate the installation of a clock); and the construction of the bridge connecting Malolos with Barasoin. However, the buildings were destroyed by a strong earthquake in 1863. Fr. Ezekiel Merino undertook the reconstruction of the collapsed structures which lasted until 1872. Another severe earthquake took place in 1880 which destroyed the convent. Fr. Juan Tombo began the restoration of the convent in 1883. It was completed in 1884 by Fr. Felipe Garcia." - Wikipedia

Friday, January 20, 2012
pag-itim ng tagak
paroon...
taglamig sa ibang bahagi ng mundo. panahon ng paglikas ng mga ibon mula sa hilaga, patungong timog. (north to south) panahon para pasyalan ang candaba, paboritong pahingahan nga mga ibong dumadaan sa Pilipinas upang magpalipas ng taglamig. kaya naman kasama ng ilang kaibigan, dala ang mga camera at naghahabaang lente, sumugod na kami. ang dami daw pato sa tubigan at tikling sa kalsada.
may kaunting pag-aalinlangan pagkat balitang marami daw tao sa area. foreign birdwatchers, bird counters, twitchers, photography workshoppers, at birdnuts na gaya namin. pero sulong, gising ng maaga, pagsikat nga araw, dapat nasa candaba.
at di nga nabigo... ang daming tao, ang daming pato. may ilang mga tikling saka bato-bato. may kaingayan, may kalayuan, pero okay din, may ilang ibong mailap man at di makunan, masaya na rin dahil sa tanan kong buhay, ngayon lang namasdan. lifers ang tawag, nai-check din sa listahan.
nang tumanghali, na walang nakukunan, kawan ng tagak, aming pinagtripan... ang kapal ng kawan, liparan ng liparan, dikit-dikit, halos walang pagitan, pawang nakaabang, sa kanilang paanan. anumang gumalaw, pinagdududahan...
kawawang isda, magiging almusal.
parito...
sa kaguluhan, may isang napitikan, tagak na kay puti la-landing sa putikan. dahan-dahan lamang, baka madungisan, balahibong kay puti, ay dapat ingatan.
napag-isip-isip, sa tunay na buhay, ang ayaw lumublob sa gitna ng putikan, malinis nga ang kamay, gutom naman ang hinaharap, maari ring kamatayan. umitim man ang tagak, papalayo ang pangarap...

Sunday, January 15, 2012
sa ngalan ng ama...
paroon...
maagang umuwi pa-malolos. mag-aanak sa binyag. anak ng pinsan.
maagang dumating sa simbahan... sarado pa... wala pang tao.
naghintay sandali... nakipagkwentuhan sa mga pinsan at kaibigan. sandaling nagkatuwaan.
tinawag ng pinsan... dumating na ang pari. simulan na ang binyagan.
may sinampalatayanan, may tinalikdan, may binuhusan, may kinurusan, may sinindihan...
tapos ang binyagan... sumunod ang pik-tyuran.
kainan naman... inabot ang pakimkim... pumila sa hain... ang sarap ng handaan.
pumili ng umpukan... kasama mga kaibigan... tuloy ang kwentuhan.
nagmano sa tito, nagmano sa tita, kumustahang walang humpay.
natapos ang kainan... puro na lang kwentuhan... syempre, may bolahan.
mga bata nag ikutan... pinoy henyo pinagtripan... kala mo bulagaan.
nagpaalaman, nagkayayaan, mcdo sa nlex, hot fudge sundae naman.
parito...
sa isang binyagan, pinalalim ang pananampalataya, pinatibay ang mag-aanak, pinatalik samahang mula pagkabata.
umuwing may ngiti, isa na namang salinlahi, nasalin, tulad ng tubig, sa noo ng bata... sa ngalan ng ama...

Saturday, January 14, 2012
andyan ka pa pala!
sumubok mag blog... Isa lang nagawa. Nalimutan na. Nakamobile unli surf. Susubok ulit... Wala na dahilan di makasulat... Paroon na ulit! Parini na kayo...
Subscribe to:
Posts (Atom)