Total Pageviews

Wednesday, May 13, 2020

Paroon,.. Tumaas ang Viewing Level dahil sa Quarantine. Magandang pagkakataon para sa mga Advertisers at sa traditional media.  Ang daming taong makakapanood at makakapakinig ng mga patalastas.  Sa kawalan ng magagawa sa bahay, paulit-ulit na mapapanood at mapapakinggan ang mga patalastas.  Ang programa sa himpapawid, kay sarap ibenta!  Talent ang puhunan, Hangin (airtime) ang ibebenta.
Parito... Nagbagsakan ang bilang ng patalastas.  20 porsyento hangang 32 porsyento ang binaba ng patatlastas ng Unilever, Procter and Gamble at Colgate Palmolive.  Mga manufacturer lang ng gamot tulad ng Unilab at Pfizer ang nagdagag ng patalastas. Kahit nga ang Jollibee, bumaba ang dami ng patalastas.  Idagdag mo pa dito ang pagkawala ng ABS CBN, sadyang bagsak ang industriya ng Media. Ang Sabon at toothpaste, may shelflife, maari pang mabenta pagkatapos ng trahedya. Pero Pag Hangin ang Binenta,  Paglipas ng Ihip, WALA NA! 

Monday, May 11, 2020

Inaalikabok

Paroon... isang linggo matapos ang shutdown ng ABS CBN, kamust na kaya tayo?  Namimiss nyo pa rin ba si Kardo?  Si ka Noli? Si Kuya Kim? Si Vice?  Sigurado sumilip din kayo sa TV Patrol sa Facebook.  Nanonood pa ba kayo online?  Pasasaan ba, masasanay na ba tayo manood sa ibang channel.  Malilibang na rin tayo sa nanonood ng Netflix at HBO Go.  Matututunan nyo na rin mag tele-babad sa GMA.  Sayang lang walang laro ang PBA, baka pati TV5 sana nakasama na sa inyong channel rotation.

Naitanong ko lang kasi napansin ko ang aking remote.  Nakapatong pa rin sa paborito kong lamesita. INAALIKABOK...  Isang linggo na mula ng ma-shutdown ang ABS CBN, tuloy naman ang buhay.  Marami namang nagagawang ibang bagay.  May entertainment sa phone, may news sa internet may replay kung gusto ko lang paulit-ulit mapanood ang mga nagiliwan kong palabas.  "Life has gone on" ika nga.

Parito... As retired media researcher, na-e-excite pa rin ako kung ano ba ang effect nito sa TTV or Total TV Viewing.  Higit dun, ano ba ang effect nito sa buong industriya.  Sigurado bagsak ang viewing, sigurado din bagsak ang negosyo ng buong industriya.  Ipagpalagay lang natin na sa ABS CBN ginagastos ng mga Media Agencies ang 30% ng advertising budget ng kanilang mga kliyente, saan nila gagastusin ito ngayon? Gustuhin man nila, wala na sigurong commercial minutes na maibebenta ang ibang channel.  Kung meron man,  dahil bumaba ang viewing level, di rin sulit na gastusin yun.  Itatabi na lang siguro.  Pero, pera ito na nilaan para mabenta ng mga dambuhalang brands gaya ng Pantene, Nescafe at iba pa.  Pag di naka-advertise, sapul din sigurado ang kanilang benta.  May tama na sa kanilang 2020 hahil sa quarantine,  may tama pa ulit dahil hindi makapag-advertise.  Gaya ng mga TV networks, siguradong may matitira naman.  Pero meron ding kaagapay na industriyang mapipilitang mag-shutdown.

Isang linggo makaraan ang shutdown ng ABS CBN, maraming nag-a-abang.  Marami ang nag-a-antay mapindot ang aking remote.

Saturday, May 9, 2020


Gaano kadalas ang minsan?

Sa pagtuturo ng Media Research, siguradong pag uusapan ang reach at frequency kapag umabot na ang talakayan sa Ratings.  Kasi naman, Ang Ratings = Reach X Frequency.  Gaano karami ang nakakita ng patalastas at ilang beses ito nakita.  Madaling nauunawaan ang dami ng nakakakita ng patalastas.  Ang susi sa usapin ay ilang beses?  Ilang beses ba kailangan ipalababas ang patalastas upang ito ay makita ng sapat na dami ng mamimili sa sapat na ulit upang bilhin ang isang produkto.  Kaya nga LUNOD  ka sa mahigit isang daan at dalawampung patalastas sa panonood ng tatlong oras ng mga TOP Rating Programs.  ISANG DAAN AT DALAWAMPU!

Paroon...   Dati, dalawa o tatlong beses ako magpunta sa grocery sa loob ng isang linggo.  Dalawa o tatlong beses ako pumipili ng sabon, shampoo, toothpase o noodles at softdrinks na gusto ko.  Kung kaya mahalaga para sa nagpapatalastas na subukang baguhin o panatilihin ang 'gusto' kong sabon, shampoo, toothpase o noodles at softdrinks. Mahalagang maipakita nila sa akin ang kanilang produkto tuwing pupunta ako sa grocery.

Parito...  Dahil sa Quarantine, nagbago ang pattern ng pagpunta ko sa grocery.  Minsan na lang sa loob ng dalawang linggo.  Binibili ko na lahat ng kailangan ko na sasapat sa akin ng at least dalawang linggo.  Sa takot ma-virus, ayokong pumunta sa grocery.  Ni ayoko nga pumunta sa Mini Stop na katabi ng bahay ko.  Baka mahawa ako.  At malamang ganito na ang magiging ugali ko, kahit na matapos na ang Quarantine.  NAGBAGO NA ANG PURCHASE CYCLE KO.

Sa pagbabago ng purchase cycle ko at ng iba pang tao, panibagong palaisipan ito sa mga nagpapatalastas. Gaano kadalas ba dapat mag patalastas?  Panibagong palaisipan sa manggagawa ng produkto.  Gaano ba kaliit o kalaki ang lalagyan ng produkto?  Panibagong palaisipan sa Media Owners.  Nasa bahay ang mga tao.  Gaano kadaming patalastas ba ang ipapakita ko sa isang program para hindi mag-tune-out ang mga tao?  Panibagong palaisipan sa mga research agencies.  Anong behavior at gaano karami ang naibang purchase behavior? Panibago Lahat Ito.

Saang program, anong channel, ilang beses? Sachet ba o Litro?  Nakakapanibago?  Ang consumers, gaya ko, Paroo't Parito.


Friday, May 8, 2020

Sa isang iglap, parang tinamaan ng Covid, Sumakabilang Buhay...

At nangyari ang di inaasahan...

Wala na ang ABS CBN, iyakan, tawanan, murahan, kutyaan... wala nang mapapanood kaya mag-away na lang ang mga gagamba sa sapot.  Matira matibay.  Bagsak ang viewing, sero ang rating.  Ano na ang mangyayari sa industriya ng media.  Kasama ng ABS CBN, katapusan na.

Pero kagabi, isang araw matapos mawala sa ere, Ang TV Patrol, nasa sa kabila, Buhay pa!  Sino ang mag-aakala, Pitong Milyon ang nanood.  Ang daming nag-comment, ang daming na-excite.  Online marketeers, pila-pila na.  Baka sa susunod, may mga advertisers na.

At sa isang iglap, parang tinamaan ng lintek, napatunayan, walang duda, may buhay sa kabila ng prankisa.

At ang hindi inaasahan, nangyari na nga... ang umasang yumao na, natulala!

At sabi nga ng pambansang kuya, Weather-weather lang, may araw din kayo... ang buhay ng tao, Paroo't Parito...