Total Pageviews

Monday, May 11, 2020

Inaalikabok

Paroon... isang linggo matapos ang shutdown ng ABS CBN, kamust na kaya tayo?  Namimiss nyo pa rin ba si Kardo?  Si ka Noli? Si Kuya Kim? Si Vice?  Sigurado sumilip din kayo sa TV Patrol sa Facebook.  Nanonood pa ba kayo online?  Pasasaan ba, masasanay na ba tayo manood sa ibang channel.  Malilibang na rin tayo sa nanonood ng Netflix at HBO Go.  Matututunan nyo na rin mag tele-babad sa GMA.  Sayang lang walang laro ang PBA, baka pati TV5 sana nakasama na sa inyong channel rotation.

Naitanong ko lang kasi napansin ko ang aking remote.  Nakapatong pa rin sa paborito kong lamesita. INAALIKABOK...  Isang linggo na mula ng ma-shutdown ang ABS CBN, tuloy naman ang buhay.  Marami namang nagagawang ibang bagay.  May entertainment sa phone, may news sa internet may replay kung gusto ko lang paulit-ulit mapanood ang mga nagiliwan kong palabas.  "Life has gone on" ika nga.

Parito... As retired media researcher, na-e-excite pa rin ako kung ano ba ang effect nito sa TTV or Total TV Viewing.  Higit dun, ano ba ang effect nito sa buong industriya.  Sigurado bagsak ang viewing, sigurado din bagsak ang negosyo ng buong industriya.  Ipagpalagay lang natin na sa ABS CBN ginagastos ng mga Media Agencies ang 30% ng advertising budget ng kanilang mga kliyente, saan nila gagastusin ito ngayon? Gustuhin man nila, wala na sigurong commercial minutes na maibebenta ang ibang channel.  Kung meron man,  dahil bumaba ang viewing level, di rin sulit na gastusin yun.  Itatabi na lang siguro.  Pero, pera ito na nilaan para mabenta ng mga dambuhalang brands gaya ng Pantene, Nescafe at iba pa.  Pag di naka-advertise, sapul din sigurado ang kanilang benta.  May tama na sa kanilang 2020 hahil sa quarantine,  may tama pa ulit dahil hindi makapag-advertise.  Gaya ng mga TV networks, siguradong may matitira naman.  Pero meron ding kaagapay na industriyang mapipilitang mag-shutdown.

Isang linggo makaraan ang shutdown ng ABS CBN, maraming nag-a-abang.  Marami ang nag-a-antay mapindot ang aking remote.

No comments:

Post a Comment