Total Pageviews

Saturday, May 9, 2020


Gaano kadalas ang minsan?

Sa pagtuturo ng Media Research, siguradong pag uusapan ang reach at frequency kapag umabot na ang talakayan sa Ratings.  Kasi naman, Ang Ratings = Reach X Frequency.  Gaano karami ang nakakita ng patalastas at ilang beses ito nakita.  Madaling nauunawaan ang dami ng nakakakita ng patalastas.  Ang susi sa usapin ay ilang beses?  Ilang beses ba kailangan ipalababas ang patalastas upang ito ay makita ng sapat na dami ng mamimili sa sapat na ulit upang bilhin ang isang produkto.  Kaya nga LUNOD  ka sa mahigit isang daan at dalawampung patalastas sa panonood ng tatlong oras ng mga TOP Rating Programs.  ISANG DAAN AT DALAWAMPU!

Paroon...   Dati, dalawa o tatlong beses ako magpunta sa grocery sa loob ng isang linggo.  Dalawa o tatlong beses ako pumipili ng sabon, shampoo, toothpase o noodles at softdrinks na gusto ko.  Kung kaya mahalaga para sa nagpapatalastas na subukang baguhin o panatilihin ang 'gusto' kong sabon, shampoo, toothpase o noodles at softdrinks. Mahalagang maipakita nila sa akin ang kanilang produkto tuwing pupunta ako sa grocery.

Parito...  Dahil sa Quarantine, nagbago ang pattern ng pagpunta ko sa grocery.  Minsan na lang sa loob ng dalawang linggo.  Binibili ko na lahat ng kailangan ko na sasapat sa akin ng at least dalawang linggo.  Sa takot ma-virus, ayokong pumunta sa grocery.  Ni ayoko nga pumunta sa Mini Stop na katabi ng bahay ko.  Baka mahawa ako.  At malamang ganito na ang magiging ugali ko, kahit na matapos na ang Quarantine.  NAGBAGO NA ANG PURCHASE CYCLE KO.

Sa pagbabago ng purchase cycle ko at ng iba pang tao, panibagong palaisipan ito sa mga nagpapatalastas. Gaano kadalas ba dapat mag patalastas?  Panibagong palaisipan sa manggagawa ng produkto.  Gaano ba kaliit o kalaki ang lalagyan ng produkto?  Panibagong palaisipan sa Media Owners.  Nasa bahay ang mga tao.  Gaano kadaming patalastas ba ang ipapakita ko sa isang program para hindi mag-tune-out ang mga tao?  Panibagong palaisipan sa mga research agencies.  Anong behavior at gaano karami ang naibang purchase behavior? Panibago Lahat Ito.

Saang program, anong channel, ilang beses? Sachet ba o Litro?  Nakakapanibago?  Ang consumers, gaya ko, Paroo't Parito.


No comments:

Post a Comment