paroon...
ano nga bang meron sa baguio? na-e-excite ako sa tuwing pupunta ako sa baguio. ang mahabang byahe, ang kennon road, ang mga talon, ang pine trees, ang klima, ang john hay, ang country club, ang burnham, ang star cafe, ang mine's view, ang mais, ang bundok, ang session, ang PMA... ang dami pala. kaya pala lagi akong excited. ang sarap talaga sa baguio.
napunta ulit ako sa baguio nung nakaraang linggo. at gaya ng dati, excited talaga ako. na-traffic kami at naligaw sa loob ng Baguio City. halos isang oras ding umikot sa loob. di makita ang kalye papuntang trinidad, kalyeng maghahatid sa min sa totoong destinasyon, sa Mt. Data, Bauko, Mt. Province. sa pag-iikot, nadaan sa Kisad, nakita ang mga paboritong restaurant dun. naliko sa Harrison, nabalik sa Session, nadaanan ang Burnham at naalala ang mga turo-turong nagtitinda ng papaitan. maya-maya pa, nakita ang rose bowl... ang Star Cafe kaya, kamusta na ngayon?
hay... ang daming ala-ala sa Baguio. partida pa... napadaan lamang kami ngayon. pano pa kaya kung ang totoong sadya ay ang magbakasyon.
parito...
plano naming di na bumalik sa baguio pauwi sa maynila. iikot sana kami ng sagada at ifugao. bababa ng vizcaya, nueva ecija, pabalik ng maynila. pero kapalaran, di masyadong nakisama, kaya kina-lingguhan, sa baguio rin napunta. traffic na naman, papasok ng syudad, napasabay sa jeep at public utility van na di mabilang. binaybay ang session at sa kadulu-duluhan, nakita ang SM na maraming paradahan.
pumasok sa basement at nananghalian, pagkatapos naglakad, naghanap ng walis, strawberry at ube jam. tawad dito tawad dun, kahit di naman alam, kung magkano talaga ang hawak na kalakal. di baleng mahal basta masabi lang na may maiuuwi sa mga kasambahay.
at ng matapos ang lahat, bumalik sa SM, isinakay ang gamit at umuwi nang tuluyan. malayo man ang Baguio, masikip man ang daan, siguradong siguradong, babalik-balikan!!!
No comments:
Post a Comment